Friday, April 5, 2019

Anak ng Pandi Bulacan ex-vice mayor kritikal sa ambush


Hustisya ang isinisigaw ng mga kaanak at magulang ni Pamela Joy Marquez 22 anyos na tinambangan sa Brgy, Bunsuran 1st sa bayan ng Pandi.

Nasa ligtas nang kondisyon sa isang pagamutan ang biktima mula sa pitong tama ng bala nang baril habang masuwerteng hindi tinamaan ng bala si Carl Jacob Alcaraz na isang estudyante.

Nabatid na lulan ng SUV na may plakang MGH-232 na sasakyan ni dating Vice Mayor Oca Marquez ang panganay nito.

Base sa kuha ng cctv tinambangan ng tatlong hindi nakilalang lalaki na sakay ng kulay itim na Kawasaki motorcycle.

Papauwi na ng bahay ang anak ng dating bise alkalde ng paulalanan ng bala ang sinasakayan ng biktima.

Samantala patuloy naman ang isinasagawang imvestigasyon ng mga pulis kung sino at ano ang motibo sa tangkang pamamaslang sa biktima.

News and Photo (c) Thony Arcenal | News C

No comments:

Post a Comment