Thursday, April 4, 2019

Ina, 2 anak minasaker sa Bulacan


Walang awang pinagsasaksak ng tatlong lalaki ang isang ina at dalawa nitong paslit na anak nang manlaban dahil gustong nakawin ang kanilang cellphone sa naganap na masaker kamakalawa ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jaymee Biding Casabuena, 28, at mga anak nitong sina Anton Gabriel, 8; at Joaquin Mateo, 4.

Agad namang na­aresto kahapon ng alas-4:30 ng madaling si Wilson Nosal, 23, tubong Norzagaray, Bulacan, kapitbahay ng mga biktima sa Brgy. Malaria, Caloocan City at alas-7:00 ng umaga si Joselito Cortez, 48, sa Brgy. San Manuel, San Jose del Monte ng lalawigan.

Batay sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng mag-iina sa loob ng kanilang bahay ng mga ito sa Carissa 2A, ng nasabing barangay na kung saan ay nagsisimula ng lumobo dahil sa pinaniniwalaang ilang oras nang patay ang mga ito.

Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay ang testimonya ng isang ginang na kapitbahay ng biktima na noong Abril 2, dakong alas-9:00 ng gabi ay narinig niyang may mga taong kumakatok sa bahay ng ginang.

Habang dalawa rin sa mga kalaro ng mga bata ay nakita ang dalawang lalaki bandang alas-10:00 ng gabi na nasa loob ng bahay ng mga biktima.

Ayon naman sa pinsan ng ginang na ilang oras bago nangyari ang krimen ay nakapag-text pa ito sa kaniya at sinabing walang pasintabing pumasok sa kanilang bahay si Wilson at kasama nito na pareho umanong nakainom ng alak.

Sa isinagawang inte­rogasyon ay umamin ang mga suspek na ang ta-nging intensiyon nila ay pagnakawan ang mga biktima kaya’t kinuha nila ang cellphone, pero nan-laban ang mga ito kaya nila pinagsasaksak hanggang mapatay at inamin din ni Wilson na kanilang ibinenta ang cellphone sa halagang P200.

Ang dalawang suspek ay kinasuhan ng robbery with homicide.

News and Photo (c) Joy Cantos | Philippine Star

No comments:

Post a Comment